Opisyal na Pahayag | Ika- 12 ng Hunyo 2021
Kaisa ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang taumbayang Pilipino tungo sa malaya at umuusbong na bansang may pakialam sa KALIKASAN. Ang tema ng komemorasyon sa araw ng ito ng ika-123 taon ng kasarinlan ng Republika ng Pilipinas na "Diwa ng Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan" ay di lamang patungkol sa ating kasalukuyang krisis dulot ng Covid-19 na pandemya kundi mas pa nga dapat sa pagkakaisa at paghilom natin mula sa krisis ng uri ng ating pamumuhay, ekonomya at pamamahala na syang nagdudulot ng mga problema sa kalikasan kasama na ang pandemyang ito. Ang lumalala nating kalagayan sa ating kalikasan na umeepekto na sa ating pang araw-araw na buhay ay nangangailangan ng agarang aksyon. Malaking bahagi dito ay ang pagbawi ng patrimonya nating lahat. Dito ang tunay na pangangailangan ng agarang pagkakaisa at paghilom. |
Makakalikasan Party StatementsThese are official statements of the Makakalikasan-Nature Party Philippines Archives
October 2022
Categories |