1/22/2022
Ipatupad ang demokrasya. Bigyan ng sapat na boses and masa sa Presidential Interviews ng GMA7 at iba pang media.Opisyal na Pahayag | Ika 22 ng Enero, 2022 Kinukundina ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang makitid na pananaw ng GMA 7 sa pagpili lamang ng inaakala nilang nangungunang kandidatong pagkapangulo sa recent na Presidential Candidate interview nila. Wala po sa tamang disposisyon ang isang media outfit tulad ng GMA7 upang sila ang mag desisyon kung sino ang tunay na nangunguna sa mga Presidentiable. Tanging boto lamang sa eleksyon ang nakakagawa nito. At lalong napaka mali para sa isang media outfit na ilimita ang sino man sa sasampu na nga lang na kandidato sa pagka pangulo sa public debate na ito. Wala po kaming makitang justifiable na rason para gawin ito.
Ang eleksyon sa 2022 ay napaka kritikal dahil nakasalalay dito ang susunod na 6 na pinaka kritikal na taon sa ating pagharap sa existential na threat ng pagkasira ng kalikasan sa buhay nating mga tao; lalong lalo na ang mga mahihirap na karamihan sa ating mga mamamayan at karamihan sa ating mga botante. Pinaka bulnerable ang mahihirap at masa sa mga masamang epekto ng pagkasira ng kalikasan. At dahil tayo ay humaharap sa multiple crises na di lamang krisis ng kalikasan kundi krisis din ng kalusugan, krisis sa ekonomiya at trabaho at krisis sa kalikasan. Obligasyon ng GMA7 at lahat ng media outfit na bigyan ng boses ang LAHAT ng kandidato at partido na may kandidatong pang panguluhan na ipaliwanag ang kani kanilang mga pananaw sa samut saring isyu ng ating lipunan at ang kanilang mungkahing mga solusyon. Lalong lalo na ang kandidatong tunay na kumakatawan sa interes ng mga masa at mahihirap dahil mula siya/sila dito. Isang pagyurak sa ating demokrasya ang paglilimitang ginawa ng GMA7. Umaasa kami na kanila itong aayusin sa mga susunod na araw bilang pagtugon sa kanilang obligasyon. Gayunpaman ay aming iniindorso ang pagsasarili ng Presidential Candidate ng Partido Lakas ng Masa (PLM) na si Ka Leody de Guzman na sa sarili ng inisyatibo ay sasagutin nya, tulad ng isang humble na aplikante sa isang trabaho ang mga tinanong sa presidential na interview na ito. Panoorin po natin ngayong gabi, alis 6:15PM sa: www.www.facebook.com/partidolakasngmasa Roy Cabonegro | National Chairperson | Email: [email protected] | Cellphone 0966 3718760 |
Makakalikasan Party StatementsThese are official statements of the Makakalikasan-Nature Party Philippines Archives
October 2022
Categories |