6/30/2022
Sa matino at palpak na panguluhan, di natutukan ng sapat ang kalikasan. Dito kaya sa kinakatakutan ay may maaaksyunan?Opisyal na Pahayag | Ika-30 ng Hunyo, 2022 Noong matino ang panguluhan, meron pero di sapat ang aksyon sa mga problemang pangkalikasan. Noong palpak ang panguluhan, lalong kulang ang aksyon sa problemang pangkalikasan at lumalala pa ang maraming mga polisiya at programang may epekto sa aksyon sa kalikasan at klima. Ngayong kinakatakutan ang bagong gobyerno dahil sa mga maraming unresolve na mga isyu ng nakaraan at sa kawalan ng paglilinaw sa kanilang mga plano at programang pang kalikasan at related na isyung pangkalikasan, mas magiging mabuti kaya ang aksyon sa kalikasan at sa nagbabagong klima? Ang reyalidad na ito na di lamang sa Pilipinas kundi sa boung mundo ay pagpapakita lamang na tunay na sistematiko ang mga ugat ng dahilan na nagdadala ng mga kasalukuyan nating sabay-sabay na krisis -- kasama na dito ang krisis sa kalikasan at klima. Kaya sa araw na ito na nanumpa na si G. Bongbong Marcos bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay muling nagtataya ang Alyansa ng Makakalikasan (Makakalikasan Alliance) na patuloy na paigtingin ang ating adbokasiya at mga gawain sa lahat ng aspetong pang kunserbasyon, sosyo-pulitiko, ekonomiko, maging sa pamumuhay at kultura sa pagtutulak ng mga sistematikong solusyon upang maabot natin ang minimithi natin sa ating 15-point GREEN AGENDA sa pamamagitan ng pamamaraang Sosyalisadong Makakalikasang Komunidad (Green Communes).
Nakakalungkot na di naging batayan sa mga 31M diumanong bomoto kay G. Marcos bilang pangulo ang pagdedetalye ng kanyang mga plano; kasama na sa mga kritikal na isyu ng kalikasan at sa aksyon sa nagwawalang klima at iba pang krisis ng ating lipunan. Gayunpaman, ngayong nanumpa ng Presidente, may ilan ng nailabas na detalye sa kanyang mga pananaw, dereksyon at plano na maari na nating maging batayan ng mas maayos na pakikipag-ugnayan ng alyansa sa bagong pamahalaan. Ayon sa Pambansang Tagapangulo ng Makakalikasan Alliance, si G. Roy Cabonegro, "Ipagpapatuloy namin ang aming vigilance sa pag tutulak ng 15-point Green Agenda at Green Communes ngayon na may linaw na kahit paano ang posibleng direksyon at pamamaraan ng bagong Gobyerno batas sa unang statement in Pangulong Marcos. Kung pabor sa ating green agenda at kung maayos ang ginagawa, hindi palpak at walang tuwirang panloloko o korupsyon na nakakasama sa karamihan ang magiging relasyon natin ay ang pagsuporta. Kung hindi naman ay "expose and oppose" Dinugtungan pa nya na "...sa loob ng bagong gobyerno, ang Makakalikasan sampu ng iba pang mga kasamang makakalikasang organisasyon sa KALIKASAN MUNA COALITION ay magiging isang independyenteng "Greens" na kilusang pulitikal sa bansa" Batay sa nabanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang inaugural speech, may limang detalye na maaring tuntunggan o "entry point" ng mga Makakalikasan sa patuloy na pagtutulak natin ng ating 15-point Green Agenda at Green Commune na proposals at ang kaakibat ng 42-point (11 legislative at 31 executive actions) na "greening the 100-day agenda". Kasama dito ang: (1) Pagpapalakas ng kakayanan o resiliency ng bansa kasama na ang "build back better" ng ating mga inprastruktura sa harap ng samu't saring krisis na kinakaharap, kasama na yaong pinapalala ng kasalukuyang krisis sa giyera ng Russia sa Ukraine. Kung mapapaigting ang pakikpagugnayan ay maari nating magamit itong tungtunggan ng pagtutulak ng kabuuang agenda nating sa Green Communes at aksyon sa ating climate and public health emergencies. (2) Ang pananaw na ang agrikultura at pagkain ng Pilipino ay di lamang isang "trade commodity" lalong lalo na sa harap ng matinding di magkakapantay pantay ng relasyon ng mga trade agreements na ating mga pinasok bilang bansa. Sabayan pa dito ay usapin ng food security sa harap ng ganitong di kanais nais na kalagayan. Maari nating gamiting tungtungan ito upang itulok ang mga reporma laban sa polisiyang dulot ng mga trade agreement na pumapatay at di paborable sa ating agrikultura tulad ng "rice tarrification law" at imbis dito ay ang mas pagtutulak pa ng "food sovereignty" - ang kakayanan ng bansang iproduce ang sarili nyang pagkain sa pamamagitan ng organic agriculture (3) Siyempre, ang pananaw na sa usapan ng Climate Change, gayong di tayo high emitter ng GHG (green house gas) ay isa tayo sa pinaka bulnerable sa Pilipinas sa masamang epekto ng pagbabago ng klima ay maganda ng umpisa. Lalo pa at may pagkilala sa kahalagaan ng kagyan na climate adaptation at ang pagnanais na harapin agad ito at mag "move on..." Sana lamang ay di ito pagmamaliit sa laki ng problema, bagkus repleksyon ng kahandaang agad agad ay harapin at solusyunan ito. Sa pagdedetalye ng mungkahi naming Green Communes na parehong climate adaptation at climate mitigation actions ay mahaharap natin ang mga problemang ito ng maayos at sapat. (4) Ikinatutuwa din namin ang pagkakabanggit sa ating accountability bilang bansa sa plastic waste pollution sa ating karagatan at ang kagustughan mag clean up. Gayunpaman may pangangailangang mas palalimin pa ang pag aanalisa sa problema na ito at ang papel ng sistema ng produksyon at mga producers mismo sa industriya na gumagamit ng plastics sa ugat ng problemang ito (5) Ang pagkakabanggit indirect ng renewable energy na option natin ay may malaking pagkukulang; sa tinggin namin, dahil nabanggit lang ito sa konteksto ng kawalan natin ng access sa mga kinakailangang teknolohiya upang magawa ito gayung alam natin pare pareho kung gaano kalaki at ka viable ang ating mga renewable energy options sa bansa. Bukas kaming makipagugnayan at dyalogo sa bagong gobyerno upang makita nila na di dapat ito limitasyon at dahilan upang maghananap ng mga transitory solution sa mga non renewable resources tulad ng di nabanggit na natural gas at maging nuclear options. Kinababahala namin ang pagkakabanggit ng Pangulong Marcos na ang wind power sa norte ay halos sya lamang ang nagpatayo. Palagay namin ay di naman ito patas na statement dahil naging bahagi lamang naman sya sa nagtulak na ito. Samakatuwid, ay marami pang dapat patunayan ang bagong gobyerno at si Pangulong Marcos sa kanyang tunay na kulay sa pagtutulak ng mga mahahalagang polisiya at programang ito sa pagharap natin sa ating mga problema sa kalikasan at lipunan. Gayunpaman, may 5 entry points na puwedeng pagumpisahan. Muli, sinasalang mga Makakalikasan ang detalye ng aming 15-point Green Agenda at Green Communes at ang kaakibat na 42-point na Greening the 1st 100-Day Agenda ng bagong gobyerno. Mababasa ito sa: https://makakalikasan.weebly.com/greening-the-first-100-day-agenda.html Sa mga susunod na araw ay magmumungkahi din ang Makakalikasan Alliance ng ilang mga Makakalikasang leader na maaring makunsidera ng bagong gobyerno sa mga kritikal na posisyon sa DENR, CCC, DoE, DA, at iba pa. Sa iba pang detalye: Ms. Jocelyn Sabio Pangkalahatang Tagapagsalita Mobile: 09154001305 / 09224631746 Email: [email protected] |
Makakalikasan Party StatementsThese are official statements of the Makakalikasan-Nature Party Philippines Archives
October 2022
Categories |