6/30/2022 0 Comments Makakalikasan Party: Sa matino at palpak na panguluhan, di natutukan ng sapat ang kalikasan. Dito kaya sa kinakatakutan ay may maaaksyunan?![]() Noong matino ang panguluhan, meron pero di sapat ang aksyon sa mga problemang pangkalikasan. Noong palpak ang panguluhan, lalong kulang ang aksyon sa problemang pangkalikasan at lumalala pa ang maraming mga polisiya at programang may epekto sa aksyon sa kalikasan at klima. Ngayong kinakatakutan ang bagong gobyerno dahil sa mga maraming unresolve na mga isyu ng nakaraan at sa kawalan ng paglilinaw sa kanilang mga plano at programang pang kalikasan at related na isyung pangkalikasan, mas magiging mabuti kaya ang aksyon sa kalikasan at sa nagbabagong klima? Ang reyalidad na ito na di lamang sa Pilipinas kundi sa boung mundo ay pagpapakita lamang na tunay na sistematiko ang mga ugat ng dahilan na nagdadala ng mga kasalukuyan nating sabay-sabay na krisis -- kasama na dito ang krisis sa kalikasan at klima. Kaya sa araw na ito na nanumpa na si G. Bongbong Marcos bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay muling nagtataya ang Alyansa ng Makakalikasan (Makakalikasan Alliance) na patuloy na paigtingin ang ating adbokasiya at mga gawain sa lahat ng aspetong pang kunserbasyon, sosyo-pulitiko, ekonomiko, maging sa pamumuhay at kultura sa pagtutulak ng mga sistematikong solusyon upang maabot natin ang minimithi natin sa ating 15-point GREEN AGENDA sa pamamagitan ng pamamaraang Sosyalisadong Makakalikasang Komunidad (Green Communes).
0 Comments
|
Official Statements:
|