![]() Kaisa ng ARM (Aleco Resistance (Recover/Reform) Movement) ang Makakalikasan sa hakbang nitong pagbawi sa kontrol ng San Miguel Corporation at iba pang kilalang malalaking kompanya sa pagpapatakbo ng electric cooperatives. Bagamat nakabase sa Albay at nakatutok sa usapin ng Albay Electric Cooperative, naniniwala ang Makakalikasan na ang hakbang na ito'y simula lamang ng unti-unting pagbabalik sa kamay ng mamamayan ang mga pakinabang at totoong pamamahala ng mga may-ari-kasapi-konsumidores sa kooperatiba elektrika sa buong bansa.
0 Comments
![]() Mariing kunukundena ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang giyerang sinimulan ng Russian Federation laban sa soberenyang bansang Ukraine. Wala pong kahit ano mang justification sa kahit ano mang giyera upang itulak ang pagbabago sa isang lipunan o upang resulbahin ang mga problema nito. Kamatayaan, kasiraan at kahirapan lamang ang maidudulot nito sa lahat. Kailangan maagapan ito ng mapayapang pagreresulba ng hidwaan bago pa ito ay lumawag at idamay ang mas malaking bahagi pa ng mundo. 2/25/2022 0 Comments Mapayapang Aktibong Pagkilos: Ang Tunay na Legasiya ng EDSA 1986 - Makakalikasan Party![]() 20% lamang nga mga nabubuhay na Pilipino ngayon ang may personal na alaala sa nangyari sa EDSA People's Power Revolution noong 1986, 36 na taon ng nakakaraan. Ang dami ng naibatong papuri at kritisismo kung naging matagumpay ba o hindi ang EDSA Peoples Revolution. Sa gitna ng dalawang extremes na ito ay sandamukal na mga fake news at historical revisionisms. Nakikiisa ang MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) sa pagpapaalala sa lahat na ang tunay na legasiya ng EDSA noong 1986 ay ang sa pangkalahatan na MAPAYAPANG AKTIBONG PAGKILOS o Active Non Violence (ANV) na naging climax ng mahaba ding laban ng maraming Pilipino at pinagsakripisyuhan ng maraming buhay na nagtapos sa conjugal na diktadura ni Ferdinand Marcos at ni Imelda Marcos. 2/10/2022 0 Comments I-pinal ang D.Q. na desisyon kay Marcos. Salbahin ang Integridad ng COMELEC! - Makakalikasan Party![]() Di na kami nabigla sa desisyon na ito ng COMELEC. Umaasa kaming itutuloy ng mga petitioners ang kaso sa Court of Appeals at sa Supreme Court kung kinakailangan upang malinawan ang aplikasyon ng ating mga batas sa tunay na katayuan ni presidential candidate Marcos bilang lehitimo ba o di lehitimong kandidato? Ang mga naging paratang ni retired COMELEC commissioner Guanzon ng undue influence at pressure sa naging decision ng COMELEC at ang kaukulang delay na naging resulta nito ay nagiiwan ng seryosong kuwestyon sa kumpiyansa nating mamayan sa independence at impartiality ng COMELEC. 2/2/2022 0 Comments Makakalikasan Party Stands with Guanzon on Releasing the DQ Decision of COMELEC on Presidential Candidate Bongbong Marcos![]() Makakalikasan Stands by Guanzon. DQ case decision must be released now! An independent COMELEC is key to a functional representative democracy. Failure of such will necessitate direct democracy to prevail. Central to the realization of the green agenda is a healthy democracy that must continue to prevail in the country. We sternly warn COMELEC Commissioner Ferolino and the rest of COMELEC 2nd division to delay the release no longer. We also encourage Commissioner Guanzon to reveal the Senator who is trying to sway the vote and delay the decision of COMELEC so the people can deal with him/her appropriately. |
Official Statements:
|