![]() Mariing kunukundena ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang giyerang sinimulan ng Russian Federation laban sa soberenyang bansang Ukraine. Wala pong kahit ano mang justification sa kahit ano mang giyera upang itulak ang pagbabago sa isang lipunan o upang resulbahin ang mga problema nito. Kamatayaan, kasiraan at kahirapan lamang ang maidudulot nito sa lahat. Kailangan maagapan ito ng mapayapang pagreresulba ng hidwaan bago pa ito ay lumawag at idamay ang mas malaking bahagi pa ng mundo. Gayunpaman, aming kinikilala ang incirclement na ginagawa ng mga bansang nsa loob ng NATO nag nagdulot ng ganitong reaksyon na ito mula sa Russian Federation. Kung gaano natin kinukundena ang giyerang dala ng Russia ay kinukundina din natin ang pagigipit na ginagawa ng NATO.
Pinananawagan namin ang kagyat na paglikas at suporta sa mga OFWs/Filipinos abroad na nsa Ukraine at karatig na bansa at nananawagan kami na itigil ng Russia ang kanyang giyera at pumasok sa isang mapayapang diplomasya para maresulba ang ugat ng hidwaang ito. Pinananawagan din namin na wag umaksyong militar ang NATO dahil ito ay magpapalala at mag eescalate lamang sa problema. Imbis gawin ito ay dapat alisin ng NATO ang kanilang mga forward missile systems sa mga borders ng Russia. Hindi po kailangan ng mundo kahit kailan ang ano mang giyera. Dahil tayo ay kumakaharap na sa napakaraming multiple na krisis ng pandemya/kalusugan, economic recession/kahirapan, nagbabagong klima at collapse ng saibuhay (biodiversity) na kailangan nating tutukang iresulba, wala na pong puwang sa mga panibagong giyera. Bigyan po natin ng pagkakataon ang kapayapaang mangibabaw. Ang isang maari nating matutunan dito na puede ring magawa natin sa sarili nating kalagayaan sa Pilipinas sa mga conflicts natin kasama din ng mga world super powers (US, China) dito sa bahagi natin ng mundo ay ang pag aadopt ng mga bansang naiipit sa mga nagbabangaaang interests ng mga superpowers ng NON-ALIGNMENT. Non-alignment labas sa mga geo-political na dynamics na ito ng mga super powers at pag adopt imbis ng independent foreign policy batay sa ecological security, conservation for future use.
0 Comments
Leave a Reply. |
Official Statements:
|