5/13/2022 0 Comments Hindi muna sasama ang Makakalikasan Party sa mga protesta kontra resulta ng eleksyong Mayo, 2022![]() Nagpulong ang Pambansang Konseho ng Makakalikasan (Nature Party Philippines) kagabi at batay sa aming kakayanan, kaalaman at hawak na kasalukuyang impormayon ay aming pinag-aralang mabuti kung may sapat o konkretong pruweba para sabihing nagkaroon nga ba talaga ng sistematiko at malawakang pandaraya sa katatapos lang na eleksyon? Aming napagtanto na sa kasalukuyan ay wala pa. Gayunpaman aming kinikilala na maraming iregularidad na kailangang tawagan ng pansin ang COMELEC pero hindi ito sapat upang sabihing walang kredibilidad ang katatapos lamang na eleksyon.
0 Comments
2/10/2022 0 Comments I-pinal ang D.Q. na desisyon kay Marcos. Salbahin ang Integridad ng COMELEC! - Makakalikasan Party![]() Di na kami nabigla sa desisyon na ito ng COMELEC. Umaasa kaming itutuloy ng mga petitioners ang kaso sa Court of Appeals at sa Supreme Court kung kinakailangan upang malinawan ang aplikasyon ng ating mga batas sa tunay na katayuan ni presidential candidate Marcos bilang lehitimo ba o di lehitimong kandidato? Ang mga naging paratang ni retired COMELEC commissioner Guanzon ng undue influence at pressure sa naging decision ng COMELEC at ang kaukulang delay na naging resulta nito ay nagiiwan ng seryosong kuwestyon sa kumpiyansa nating mamayan sa independence at impartiality ng COMELEC. 2/2/2022 0 Comments Makakalikasan Party Stands with Guanzon on Releasing the DQ Decision of COMELEC on Presidential Candidate Bongbong Marcos![]() Makakalikasan Stands by Guanzon. DQ case decision must be released now! An independent COMELEC is key to a functional representative democracy. Failure of such will necessitate direct democracy to prevail. Central to the realization of the green agenda is a healthy democracy that must continue to prevail in the country. We sternly warn COMELEC Commissioner Ferolino and the rest of COMELEC 2nd division to delay the release no longer. We also encourage Commissioner Guanzon to reveal the Senator who is trying to sway the vote and delay the decision of COMELEC so the people can deal with him/her appropriately. 1/22/2022 0 Comments Makakalikasan Party: Bigyan ng sapat na boses ang masa sa Presidential Interviews ng GMA7 at iba pang media.![]() Kinukundina ng MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ang makitid na pananaw ng GMA 7 sa pagpili lamang ng inaakala nilang nangungunang kandidatong pagkapangulo sa recent na Presidential Candidate interview nila. Wala po sa tamang disposisyon ang isang media outfit tulad ng GMA7 upang sila ang mag desisyon kung sino ang tunay na nangunguna sa mga Presidentiable. Tanging boto lamang sa eleksyon ang nakakagawa nito. At lalong napaka mali para sa isang media outfit na ilimita ang sino man sa sasampu na nga lang na kandidato sa pagka pangulo sa public debate na ito. Wala po kaming makitang justifiable na rason para gawin ito. |
Official Statements:
|