2/2/2022 0 Comments Makakalikasan Party Stands with Guanzon on Releasing the DQ Decision of COMELEC on Presidential Candidate Bongbong Marcos![]() Makakalikasan Stands by Guanzon. DQ case decision must be released now! An independent COMELEC is key to a functional representative democracy. Failure of such will necessitate direct democracy to prevail. Central to the realization of the green agenda is a healthy democracy that must continue to prevail in the country. We sternly warn COMELEC Commissioner Ferolino and the rest of COMELEC 2nd division to delay the release no longer. We also encourage Commissioner Guanzon to reveal the Senator who is trying to sway the vote and delay the decision of COMELEC so the people can deal with him/her appropriately. We deserve to know if aspirant Bongbong Marcos is eligible or not as a candidate for the Presidency.
Lubhang nakababahala ang drama sa COMELEC. Kung bago pa lang ang eleksyon hindi na sila nagkakasundo at hindi na sumusunod sa protocol ng kanilang ahensya maaasahan ba natin na maging malinis at walang bahid ng panlilinlang ang eleksyon sa Mayo? Ano ba ang dahilan ni Comm Ferolino sa pag-antala ng decision ng division nila sa disqualification case ni Bongbong Marcos? Bakit anlakas ng loob nyang sumuway sa immediate superior nya? Totoo kayang may malaking tao na nasa likod nito? Nakikiisa ang Makakalikasan sa tayo ni Comm Guanzon na ilabas na ang disisyon sa mga kasong pagpapawalang bisa ng kanidatura ni Bongbong Marcos. Naniniwala ang Makakaliksan na kailangang pagpasyan na ito at ipaalam sa taumbayan ang kanilang desisyon. Hindi kailanman maisusulong ang mga adhikaing pangangalaga ng Kalikasan kung walang tunay na demokrasyang umiiral sa bansa. Ano ang kwento? Sakaling manalo si BBM at lumabas ang disqualification nya, sakaling manalo si Sara Duterte bilang VP, sya ang papalit dito! Aba, another Duterte presidency? Talagang pinagloloko tayo ng dalawang pamilyang ito! Pinaikut ikot na tayo sa kanilang rigodon sa pagtakbo, tapos hindi pala. Ngayon naman e naglalatag ng isang narrative na tayo pa rin ang talo! Magising na nawa tayo! Manggagawa at mga magsasaka magkaisa na! MANGGAGAWA NAMAN!
0 Comments
Leave a Reply. |
Official Statements:
|