2/25/2022 0 Comments Mapayapang Aktibong Pagkilos: Ang Tunay na Legasiya ng EDSA 1986 - Makakalikasan Party![]() 20% lamang nga mga nabubuhay na Pilipino ngayon ang may personal na alaala sa nangyari sa EDSA People's Power Revolution noong 1986, 36 na taon ng nakakaraan. Ang dami ng naibatong papuri at kritisismo kung naging matagumpay ba o hindi ang EDSA Peoples Revolution. Sa gitna ng dalawang extremes na ito ay sandamukal na mga fake news at historical revisionisms. Nakikiisa ang MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) sa pagpapaalala sa lahat na ang tunay na legasiya ng EDSA noong 1986 ay ang sa pangkalahatan na MAPAYAPANG AKTIBONG PAGKILOS o Active Non Violence (ANV) na naging climax ng mahaba ding laban ng maraming Pilipino at pinagsakripisyuhan ng maraming buhay na nagtapos sa conjugal na diktadura ni Ferdinand Marcos at ni Imelda Marcos. Walang uri ng rebisyunismo ang makakapagbago ng katotohanang ito.
Kung ano man ang naging resulta pagkatapos ng mapayapang rebolusyon na ito at kung ano man ang naging kahinaan, pagkukulang o mga dagdag na pahirap at pagyurak pa muli sa mga karapatan ng Pilipino pagkatapos ng EDSA revolution ay pananagutan na ng mga nsa kapangyarihan noon. Hindi nito sinisira ang kabuuang kahalagahan ng EDSA 1986 Peoples Revolution mismo. Ang MAKAKALIKASAN (Nature Party Philippines) ay naninindigan sa Mapayapang Aktibong Pagkilos o Active Non Violence (ANV) bilang isa sa mga pangunahing unifying principles na gumagabay sa aming gawain bilang isang umuusbong na makakalikasang partido pulitikal. Ito ang aming pinagdidiwang sa araw na ito. MABUHAY ANG HARING BAYAN NG KAPULUANG ITO. MABUHAY ANG AKTIBONG MAPAYAPANG PAGKILOS! Ituloy natin ito sa mga kasalukuyan nating mga pagkilos upang maabot ang isang tunay na likas kayang bansa at planeta.
0 Comments
Leave a Reply. |
Official Statements:
|