11/30/2022 0 Comments KOALISYONG LUNTIAN: PATUNGO SA “HARING BAYAN” NG MGA TUMUBO SA MGA KAPULUANG ITO, ALAY KAY GAT ANDRES BONIFACIO![]() Sa ika 159th na paggunita ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, pinagpipitagang idinedeklara ng MAKAKALIKASAN-NATURE PARtY PHILIPPINES ang aming suporta at pagsama sa umuusbong na Koalisyong Luntian! Dala dala dala ng koalisyong ito ang pangarap ni Bonifacio, sampu ng mga bumuo ng Kataas taasang kagalng galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ng isang HARING BAYAN NG MGA TUMUBO SA MGA KAPULUANG ITO. Haring Bayan sa pagkilalang ang soberenya ay nasa tao- se demokrasya, sa interes ng nakakararami, isang tunay na komunitaryanismong interest at hindi ang pangingibabaw ng indibidwal na interest ang magdudulot ng kabutihan at kasaganahan sa lahat. Isang lipunan ng mga "tumubo" sa mga kapuluaang ito biglang pagkilala na ang ating maayos na relasyon sa inang lupang na nagbibigay ng kaginhawaan sa ating mga buhay o ang "layaw" na ating nararanasan mula ay ang pagpapahalgang dapat gumagabay sa ating likas-kayang kaunlaran.
Kung kayat Ilocano (mga tao sa look), Kapampangan (mga tao sa pampang), Maranao (mga tao sa Ranao o lawa), o taga (Laguna) de Bae (nga tao sa bae o lawa) o taga Sugbu (mga tao sa mababaw na dalampasigan) ka man at tagalog (mga tao sa ilog) ka rin. Lahat tayo na tumubo sa kapuluang ito ay mga anak na umusbong sa relasyon ng mga tao at taong komunidad sa ating mga ekosistemang ito na bumubuhay sa ating lahat; tao man at iba pang nilalang na kasama natin sa bahaging ito ng planeta! Sa araw na ito nabuo ang unang 9 na samahang ngayon ay sama samang magtataya sa pagtutulak ng makakalikasang pamumuno bilang susunod na pinakamalakas na puwersang pulitikal sa bansa. Mabuhay ang Makakalikasan-Nature Party Philippines, Kamaynila HOA, Nagkakaisang Tribu ng Palawan (NATRIPAL), Sangguniang Kabataan para sa Kalikasan, Makakalikasan Movement, Lumad Mindanaw Peoples Federation (LMPF), Makakalikasan Youth, Filipino Renters Union at MAHARLIKA Party. Para sa dagdag na impormasyon Mobile 0966 3718760 | Email: [email protected] FB: /makakalikasan.party
0 Comments
Leave a Reply. |
Official Statements:
|